QUO WARRANTO CASE | Dating CJ Sereno, inakusahan si Associate Justice Noel Tijam ng prejudgement

Manila, Philippines – Inakusahan ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na bago pa natalakay ang quo warranto petition laban sa kanya ay nakapagdesisyon na si Associate Justice Noel Tijam.

Giit ni Sereno – Makikita sa footnotes ng desisyon na nabalangkas na ito bago pa man siya makapagkomento sa petisyon.

Apat na araw bago maisumite ang komento ni Sereno noong March 19 ay ilang website at online articles na ginamit sa desisyon ang binisita ni Tijam.


Pinuna rin ni Sereno si Tijam sa mga ebidensyang wala naman sa record.

Ibig sabihin, kinukundena na ni Tijam ang dating punong mahistrado bago pa mapakinggan ang panig nito.

Nabatid na isa si Tijam sa mga mahistadong nais ipa-inhibit ni Sereno sa kaso dahil may kinikilingan ito.

Facebook Comments