Manila, Philippines – Isang Linggo bago ang posibleng paglalabas ng desisyon ng Supreme Court en banc sa quo warranto case ng laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno…umapela sa Korte Suprema ang mga taga-suporta nito na ibasura ang kaso.
Nagpadala ng liham ang Coalition for Justice sa SC na pirmado ni PastorJack Alvarez at nananawagan sila na ibasura na ang quo warranto petiton laban kay Sereno.
Nanindigan ang grupo na labag sa konstitusyon ang quo warranto case ni Sereno at banta anila ito sa kredebilidad ng Supreme Court bilang isang institusyon.
Nanawagan din sila sa Korte Suprema na bigyan ng pagakakataon si Sereno na idipensa ang kanyan sarili sa korte sa pamamagitan ng isang full blown impeachment proceedings
Kalakip ng liham ng grupo ang kopya ng mga nakalap nilang pirma na umaabot sa mahigit 16,000 mula sa kanilang online petition.
Nagsasagawa rin ang grupo ng siyam na araw na ” Dasal at ayuno para sa katotohanan at Katarungan” sa labas ng Supreme Court.