Tulak ng Droga Patay, Matapos Manlaban sa Buy Bust!

112

City of Ilagan, Isabela – Kaagad na namatay ang isang drug pusher matapos na manlaban sa ikinasang buy bust operation nitong ika dalawa ng Mayo sa San Felipe, Ilagan, Isabela.

Sa ipinarating na impormasyon sa RMN Cauayan, kinilala ang lalaki na si Jayson Yumul, nasa tamang edad at residente ng Santiago City.

Ikinasa ang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP ILagan, Regional Special Operations Group at Regional Intelligence Division.

Batay sa iniulat na pangyayari, napansin umano ni Yumul na nakipagtransaksyon ito sa isang alagad ng batas kung kayat bumunot ito ng baril. Naunahan naman ito ng nagpanggap na buyer at binaril si Yumul upang protektahan ang sarili.

Sa resulta ay nagtamo ng matinding tama sa katawan ang tulak ng droga na syang sanhi ng kamatayan nito.

Narekober sa pinangyarihan ang isang kalibre kwarentay singko (45), dalawang bala, dalawang spent shell ng caliber 45, dalawang spent shell ng 9mm pistol, isang maliit na pitaka na naglalaman ng walong maliit na plastic sachet ng shabu, apat na piraso ng isang libong piso bilang marked money, dalawang cell phones, isang ipad at isang unit ng suzuki raider na walang plakang motorsiklo.

Samantala, sa naging pahayag ni PRO2 Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino, isa na umano itong matagumpay na operasyon ng kapulisan laban sa kampanyang anti- illegal drugs.

Facebook Comments