Manila, Philippines – Magtutungo ngayon sa Kataas-taasang Hukuman ang mga kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang maghain ng Motion for Reconsideration (MR).
Ito ay may kaugnayan sa naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pagpapatalsik kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno dahil sa umano ay lack of integrity.
Muling nanindigian si IBP national president Abdiel Dan Elijah Fajardo na sa pamamagitan lamang ng impeachment maaaring matanggal si Sereno na isang impeachable official at hindi sa pamamagitan ng quo warranto.
Naniniwala pa ang IBP na ang ruling ng SC laban kay Sereno ay minadali at walang matibay na ebidensya kung saan winasak nito ang rule of law.
Matatandaan noong isang bwan sa botong 8-6 napagbotohan ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) na patalsikin si Sereno dahil sa umano ay lack of integrity.