QUO WARRANTO PETITION | Apat pang SALN, hinahanap ni Sereno

Manila, Philippines – Apat pang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) ang hinahanap ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang memorandum na isinumite sa Korte Suprema kaugnay ng Quo Warranto Petition, tinukoy ni Sereno na ang mga nawawalang SALN ay sa taong 1992, 2000, 2003 at 2006.

Pero kahit pa nawawala ang apat na SALN, igniit ng Punong Mahistrado na dapat mabasura ang quo warranto petition dahil ang kabiguan na makapaghain ng kanyang SALN o maisumite ito sa Judicial and Bar Council ay wala namang kaugnayan sa kanyang integridad.


Ang SALN aniya ay hindi kabilang sa mga dokumento na itinuturing ng JBC bilang ebidensya ng integridad.

Sa kabuuan aniya, nakapagprisinta na siya ng patunay na nakapaghain siya ng 12 SALN.

Facebook Comments