NABISTO | Isang driver sa China, trending dahil sa kakaibang teknik para hindi mabigyan ng parking ticket

China – Isang babae sa Suzhou, China ang mayroong kakaibang paraan upang hindi malagyan ng ticket violation tuwing nagpa park ito ng wala sa lugar.

Ang teknik ng di na pinangalanang ginang, magiwan ng pekeng parking ticket sa kaniyang windshield bago nito iwan ng kotse.

Say ng ibang netizen, perfect crime at genius ang ginang sa pagkakaisip nito dahil kadalasan, hindi na rin naman tinitignan pa ng mga police ang ticket para inspeksyunin sa oras na nakita na nilang mayroong naka dikit na ticket sa windshield.


Okay na sana, ngunit ngayong buwan lamang, nabisto na ang teknik ng ginang.

Bad luck kung ituturing, nang magpark ang ginang sa harap ng isang sasakyan na ang sakay ay isang undercover na police.

Pagkababa ng ginang sa kaniyang sasakyan at matapos nitong idikit ang pekeng parking ticket, agad na nilapitan ito ng pulis at dito na niya nabisto ang ginang.

Nagawa pang magdahilan ang ale, at sinabing, baka na- prank lamang siya at dinikitan ng ticket, ngunit naka on ang dash cam ng mamang pulis kaya at walang lusot si ate.

Pinagsabihan ng mamang pulis ang ginang kaugnay sa pamemeke ng mga dokumento, saka niya ito binigyan ng tunay na parking ticket.

Facebook Comments