Manila, Philippines – Wala pang tugon si Supreme Court Associate Justices Teresita De Castro sa kahilingan ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno na mag-inhibit siya sa quo warranto case laban sa Punong Mahistrado.
Sa mosyon ng kampo ni Sereno, sinabi nito na hinusgahan na ni Justice De Castro ang usapin sa validity ng pagkakatalaga sa kanya bilang Chief Justice noong 2012.
Paliwanag ng mga abogado ni Sereno, bago pa man naghain ang Office of the Solicitor General ng quo warranto petition, mayroon nang determination si De Castro na diskwalipikado itong maging Punong Mahistrado.
Bukas, bago magsimula ang oral arguments, malalaman kung mag-i-inhibit si De Castro sa quo warranto petition laban sa Chief Justice.
Una nang inihirit ni Sereno ang inhibition sa quo warranto case nina Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza ag Noel Tijam dahil din sa aniya ay pagiging bias ng mga ito.