QUO WARRANTO PETITION | Constitutional crisis, nakaamba

Manila, Philippines – Ibinabala ng Liberal Party o LP ang pagkakaroon ng constitutional crisis dahil sa pagsasaalang-alang ng Korte Suprema sa Quo Warranto case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa press statement na inilabas ng LP ay binigyang diin na malinaw sa ating Saligang Batas na ang impeachment lang ang tanging paraan para magpatalsik ng miyembro ng Korte Suprema.

Diin ng LP, labag sa batas ang iba paraang tulad ng Quo Warranto Petition na nagpapawalang bisa sa pagkakatalaga sa Punong Mahistrado.


Bunsod nito ay umaapela ang LP sa mga mahistrado ng Korte Suprema na umayon sa mismong Saligang Batas na sinumpaan nilang protektahan at sundin.

Binigyang diin ng LP na dapat ay magpakita ng respeto ang Korte Suprema sa Konstitusyon at sa isang kapwa sangay ng pamahalaan at hayaan ang Kongreso na gawin ang tungkulin o mandato nito.

Facebook Comments