Ibinarusa ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang consolidated Quo Warranto Petitions na nagpapawalang bisa sa pag-upo ni Senate Koko Pimentel sa Senado mula 2019 hanggang 2025.
Sa petisyong inihain nina Reymar Mansilungan at Efren Adan ay pinatatanggal si Pimentel sa pagkasenador dahil lagpas na ito sa term limit.
Ipinunto sa petisyon na una itong nanalong senador noong 2007 hanggang 2013, ikalawa ay noong 2013 hanggang 2019 at muling nanalo sa 2019 elections.
Pero sa 16 na pahinang desisyon ng SET ay sinabing walang merito ang nabanggit na mga petisyon dahil hindi naman napagsilbihan ni Pimentel ang full term mula 2007 hanggang 2013.
Tinukoy sa desisyon ng SET na 2011 lang nakaupo si Pimentel nang sya ay manalo sa election protest.
Ayon sa SET ruling, yan ay 10 taon at 10 buwan lamang sa halip na 6 na taon.