QUO WARRANTO PETITION | OSG, nagsumite na ng sagot sa komento ni Sereno

Manila, Philippines – Nagsumite na ng sagot sa Korte Suprema ang Office of the Solicitor General sa naging komento ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno kaugnay ng quo warranto petition ng OSG.

Personal na Isinumite sa Supreme Court ni Solicitor General Jose Calida ang Kanilang 64-pahinang reply o sagot sa naging komento ni Sereno.

Ayon kay Calida, mistulang panlilinlang sa Judicial and Bar Council o JBC ang ginawa ni Sereno dahil sa makailang ulit nitong hindi pagsusumite ng kanyang Statement Of Assets, Liabilities And Net worth o SALN na requirement nang mag-apply itong mahistrado ng Korte Suprema.


Nakagawa anya si Sereno ng “gross misrepresentation” sa JBC nang idahilan nito na hindi na niya mahagilap ang lahat kanyang SALN kaya nabigong makapagsumite.

Taliwas aniya ito sa katotohanan na intentional talaga ang hindi pagsusumite ni Sereno ng 11 beses mula 1986 hanggang 2006.

Ayon pa kay Calida, lumalabas din na ang nakalagay sa 2009 SALN ni Sereno ay isa itong associate Justice ng Supreme Court gayong naitalaga ito sa pwesto noong August 16, 2010.

Facebook Comments