QUO WARRANTO PETITION | Senado, patuloy ang paghahanda sa impeachment trial ni CJ Sereno

Manila, Philippines – Posibleng maisapinal na ngayong araw ni Senate President Koko Pimentel ang rules na kanilang gagamitin sakaling matuloy ang impeachment trial kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sabi ni Pimentel, tuluy-tuloy ang kanilang paghahanda para sa paglilitis kay Sereno kahit pa sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hihintayin muna nila ang desisyon ng supreme court sa inahaing quo warranto petition laban kay Sereno.

Paliwanag ni Pimentel, mahirap mag-assume kung tuloy o hindi ang pag-upo ng Senado bilang impeachment court para litisin si Sereno kaya mas mabuti na sila ay maging handa.


Maliban sa pagplantsa sa rules of impeachment ay inaprubahan na rin ni Pimentel ang toga o robe na gagamitin ng mga senador na aaktong impeachment court judge.

Kulay itim ang robe, gawa sa wool, may hand-wooven sheering ito sa magkabilang balikat na konektado hanggang sa likod na korteng pa letrang U.

Mayroon din itong hood na gawa rin sa wool na mayroong tali at wala itong zipper sa harapan pero gagamitan ng Velcro.
Huling bahagi ng nakaraang taon sinukatan ng robe ang mga senador at kaiba ito sa robe na ginamit noong impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona na kulay maroon. X

Facebook Comments