Baguio City – Muling kinalampag ng supporters ni CJ on-leave Maria Lourdes Sereno ang Supreme Court (SC) compound sa Baguio City.
Ito ay bilang pagkondena sa pagtanggi ng limang mahistrado ng SC na mag-inhibit sa pagdedesisyon sa Quo Warranto Case laban kay Sereno.
Pinangunahan ang rally ng grupong Coalition for Justice (CFJ) at iba pang militanteng grupo kasama rin ang ilang mga madre mula sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines.
Kabilang sa mga kinundena ng grupo sina SC Justices Justices Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, at Noel Tijam.
Ang limang SC Justices ay una na ring nagtestigo sa impeachment case laban kay Sereno sa House Justice Committee.
Idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang kapangyarihan ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng watchlist order (WLO).
Kasunod ito ng naging deliberasyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema dito sa Baguio City.
Partikular na dinesisyunan ng Korte Suprema ang Department of Justice Circular No. 41 series of 2010 na pinagbabatayan ng kapangyarihan ng DOJ sa pag-iisyu ng watch list order.
Sa pamamagitan ng WLO ay pinipigilan ng DOJ na makalabas ng bansa ang isang indibidwal na may kinakaharap na kaso sa piskalya kahit walang court order.
Gayunman, ang WLO ay pansamantalang pinigil ng Korte Suprema noong 2011 sa pamamagitan ng Temporary Restraining Order.
Nag-ugat ang kaso sa petisyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo kaugnay ng watch list order laban sa kanya ni dating Justice Secretary Leila de Lima.