Manila, Philippines – Posibleng pinal nang madesisyunan ng Korte Suprema ngayong Hunyo ang quo warranto case ni Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, mahalagang madesisyunan na ng Korte Suprema ang apela ni Sereno para tuluyan nang makapag-move ang Hudikatura.
Tiniyak naman ni Carpio na kahit napatalsik ang punong mahistrado ay normal naman na nagagampanan ng hukuman ang kanilang tungkulin gaya ng pagpapasya sa mga kaso at pagdaraos ng oral arguments.
Aniya, mayroon namang quorum ang korte kaya maayos na nagdaraos ng botohan sa mga en banc at division session.
Aminado rin si Carpio na bagamat siya ay nasa hanay ng minorya sa quo warranto case ni Sereno, kailangan niyang tanggapin ang magiging pinal na desisyon para makausad silang lahat.