R1MC, NAKAPAGTALA LAMANG NG TATLONG KASO NG FIRECRACKER INCIDENT SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

Sa puspusang kahandaan ng mga medical team, nakapagtala lamang ng tatlong kaso ng firecracker incident ang Region 1 Medical Center sa pagsalubong sa bagong taon.
Kasama ang R1MC sa nagsulong at nakiisa sa Oplan Iwas Paputok.
Mababa ang kaso ngayon kumpara noong mga nakaraang taon dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa mga ilegal na paputok ng awtoridad.
Ayon kay R1MC Medical Officer III, Dr. Erickson Callanta, kaunti ngayon ang mga nagpapaputok at napuputukan di tulad ng dati na wala pang alas dose ay may mga nagpupunta na sa ospital dahil naputukan.

Dagdag pa niya, kaunti man ang mga naputukan ngayon, marami naman ang nasasangkot sa vehicular accidents sa mga ganitong okasyon dahil sa pagbarurot ng mga sasakyan sa sobrang kalasingan at mga away sa new year na nauuwi sa sakitan.
Nilinaw naman ng ospital na hindi sa main kung hindi sa R1MC Annex dapat nagpupunta ang mga indibidwal na nasasangkot sa ganitong aksidente dahil naroon ang mga doktor na nararapat na gumamot sa mga ito. | ifmnews
Facebook Comments