LALAKI SA SAN CARLOS CITY SUGATAN MATAPOS PUMUTOK ANG SINIPA NITONG WHISTLE BOMB

Sugat sa hinlalaki ng kanang paa ang tinamo ng isang bente kwatro anyos na binata matapos pumutok ang sinipa nitong whistle bomb sa San Carlos City.

Ang biktima ay nakilalang si Anthony Mamaradlo, residente ng Brgy. Magtaking sa nasabing lungsod.

Naganap ang insidente pasado alas dose ng bagong taon habang pauwi ang biktima ng may makita itong hindi pumutok na whistle bomb sa dadaanan nito.

Bumaba ang biktima sa motor nito para sipain ang nasabing paputok subalit biglang sumabog dahilan para Madali ang hinlalaki ng kanang paa ni Mamaradlo.

Isinugod sa pagamutan ang biktima at agad namang pinalabas ng dahil maituturing umanong minor lang ang sugat ng biktima. | ifmnews

Facebook Comments