R1MC, PANSAMANTALANG HINDI TATANGGAP NG MGA PASYENTENG MAY KAUGNAYAN SA COVID-19

Naglabas ng abiso ang pamunuan ng Region 1 Medical Center na Pansamantala munang hindi tatanggap ang hospital ng mga may kaugnayan sa sakit na COVID-19 sa kadahilanang patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kamakailan, naglabas ang pamunuan ng R1MC kaugnay sa hindi muna pagtanggap sa hospital ng mga pasyente ng OPD dahil ang 120 na bed capacity ng hospital sa COVID-19 dito ay puno na kung kaya’t isinagawa na nila ang kanilang Surge Response A.
Samantala, sa pinakahuling datos ng Dagupan City mayroong 506 na aktibong kaso ang lungsod, pumalo na rin sa 2, 209 ang mga gumagaling sa sakit at 119 na katao naman ang kabilang sa mga nasasawi sa sakit.
Samantala, sa mga nais magpakonsulta na may kaugnayan sa COVID-19 maaari tumawag sa mga COVID-19 hotlines at doon may personnel ang siyang magbibigay ng direkta sa magiging concern ng pasyente.

Facebook Comments