RABIES AWARENESS MONTH | Mga pet owners sa Navotas City, hinihikayat na pabakunahan ang mga alagang aso

45

Navotas City – Kasabay ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, hinihikayat ngayon ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang mga pet owners na pabakunahan ng kontra rabies ang kanilang mga alaga. Ngayong araw (March 15) magkakaroon ng libreng anti-rabbies vaccination ang Navotas sa Barangay San Jose, simula mamayang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali. Sa Barangay Daanghari naman ay sa March 27 kung saan gaganapin ito sa Barangay Hall habang sa March 28 ay sa Barangay Bacog. Hinihikayat ng navotas LGU na samantalahin na ang libreng pagpapabakunang ito, lalo at tuwing tag-init ay tumataas ang tyansa na mangagat ang mga alagang aso. www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments