Rabiya Mateo, nasa Florida na para sa Miss Universe pageant

Dumating na sa Florida, USA ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.

Ilang linggo ito bago ang pageant na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida sa May 16.

Pero bago lumipad sa US, nag-iwan muna ng isang pasabog na photoshoot si Rabiya suot ang kanyang pre-pageant terno suit at Athena-inspired leather gown.


Kumpiyansa naman ang Pinay beuaty na maiuuwi niya ang Miss Universe crown.

Samantala, magbabalik-bansa na sa April 26 si Miss Eco International first runner-up Kelley Day matapos na magnegatibo sa COVID-19.

Nabatid na na-stranded sa Egypt si Kelley matapos na kumalat ang balitang ilang kandidata sa Miss Eco International ang nagpositibo sa virus pagkatapos ng pageant.

Facebook Comments