5 miyembro ng notoryus na bus robbery-holdup, naaresto ng SPD

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang limang miyembro ng notoryus na bus robbery-holdup sa magkakahiwalay na operasyon sa Makati at Taguig City.

Kinilala ang itinuturong lider ng grupo na si Intoy Alao.

Ayon kay SPD Director C/ Supt. Tomas Apolinario – target ng grupo na mang-holdap ng mga pasahero sa mga bus sa kahabaan ng EDSA.


Isinagawa ang operasyon dahil na rin sa sunod-sunod na reklamo ng mga naging biktima nila.

Huling nambiktima ang mga suspek nito lamang.

Facebook Comments