Nadagdagan na ng bagong installed radars ang mga paliparan sa bansa.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dati rati ay tatlong radar lang ang naka-install para mangasiwa sa air traffic ng Pilipinas.
Dahil tatlo lamang ito, 30% ng Philippine airspace lang ang nasasaklaw.
Nabatid na sinimulan ang pagsasaayos ng air traffic management system noong taong 2009 ngunit nagkaroon ng mga pagkaantala hanggang 2016.
Pero sa ngayon ayon sa CAAP sa loob lang ng dalawang taon, nadagdagan na ng 10 bagong installed radars ang bansa, na nakasasakop na sa 100% ng airspace ng Pilipinas.
Pinasinayaan pa mismo kamakailan nina Pangulong Rodrigo Duterte, DOTr Secretary Arthur Tugade at iba pang opisyal ang bagong Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management system (CNS/ATM) ng bansa.
Ang bagong CNS/ATM ay isang state-of-the-art computer at satellite-based air traffic management technology na maaaring ihanay sa gamit ng mga bansang gaya ng Australia, Taiwan at iba pang European countries.
Dahil sa makabagong teknolohiyang gamit ng CAAP mas tiyak at mas ligtas na ang pagbiyahe sa himpapawid.