Radio Station ng Kasundaluhan sa Isabela, Gagamitin sa mga Mag-aaral

Cauayan City, Isabela- Nilagdaan na ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng 95th SALAKNIB Battalion at Alejandrino F Learning Center para sa paggamit ng live airing sa nalalapit na pasukan.

Ito ay sabay na nilagdaan ni LTCOL. Gladiuz Calilan, Commanding Officer at Ginoong Fernando Alejandrino Jr., School Director ng nasabing paaralan.

Ayon kay CMO Officer Trisha Pascua, ito ay bahagi ng ‘new normal’ para sa pagbubukas ng klase ngayong buwan na isa sa mga gagamiting pamamaraan ay ang Radio-Based Instruction.


Aniya, isa ang 100MHz SALAKNIB FM radio station ang gagamitin para sa pag-aaral ng mga bata gayundin ang iba pang paaralan sa Bayan ng San Mariano.

Ayon naman kay LTCOL. Calilan, batid niya ang kahalagahan ng edukasyon sa mga mag-aaral kung kaya’t buong suporta ang kanilang pakikipagtulungan para masigurong walang maiiwan at matiyak ang ligtas na kalusugan ng mga ito sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng bansa.

Facebook Comments