Manila, Philippines – Nadagdagan na naman ang bilang ng mga kababayan nating natulungan ng DZXL Radyo Trabaho.
Pinakabago sa listahan sina Justine Marie dela Torre, 24-anyos at Merlie Villacampa, 35-anyos.
Kwento ni Justine, buwan ng Oktubre at kasagsagan pa ng bagyong Rosita nang magsimula silang maghanap ng trabaho ng kanyang ate.
Pero mas naging madali para kay Justine na makahanap ng trabaho nang mapakinggan nila ng kanyang tatay ang tungkol sa programa ng DZXL.
Isang araw pagkatapos niyang magpasa ng resume sa DZXL Radyo Trabaho, natanggap agad siya bilang sales clerk sa isang mall.
Samantala, tiyak na magiging masaya rin ang pasko ni Merlie na hired-on-the spot sa trabahong housekeeping ng city service corporation.
Bagama’t may sariling tricycle na pinapasada ang kanyang asawa, nais pa rin daw Merlie na magtrabaho para makatulong sa gastusin ng kanyang pamilya.
Sa mga nais na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maaari niyo ring i-send kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming Radyo Trabaho Hotline – 882 2370.
Sa radyo trabaho, walang personalan… trabaho lang!