CONGRATULATIONS! | Jake Zyrus – engaged na sa kanyang girlfriend

135

Manila, Philippines – Engaged na si Jake Zyrus o dating si Charice Pempengco sa kanyang girlfriend na si Shyre Aquino.

Say ng singer, first time nila itong ibahagi sa publiko pero umapela siya na ibalato na lang sa kanila ang iba pang detalye tungkol dito.


Aniya, masaya siya na malaman ito ng publiko pero mas masaya raw kasi kung magkakaroon pa rin ng privacy sa personal nilang mga buhay.

Basta ang masasabi lang daw niya, masayang-masaya siya sa kakaiba nilang samahan ni shyre kung saan mabilis silang naging komportable sa isa’t isa at hindi na sila dumaan sa “pabebe” stage.

Agosto noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Jake Zyrus na may bago na siyang kasintahan pero nananatiling secret kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Facebook Comments

From Advertisers