Radyo Trabaho ng DZXL, dinagsa ng mga seniors ng Barangay 181, Caloocan

Mas marami sa mga job seekers o nais magkatrabaho sa Barangay 181, Caloocan ay mga seniors o nakatatanda.

Sila ay mga nawalan ng trabaho noong nagbawas o nag- retrench ang kanilang mga pinagtatrabahuhang kompanya.

Ayon kay Barangay Secretary Brix Sanchez, malaking tulong ang ganitong naibabang oportunidad sa job employment sa kanilang barangay.


Samantala, sinamantala na rin ng barangay official ang panawagan sa mga kinauukulan na resolbahin ang problema nila sa land dispute, na isa sa pahirap sa mga residente, maliliit na negosyante at estudyante.

Binarikadahan kasi ng isang developer ang daanan ng mga residente.

Ang epekto, hirap makapagpasok ng mga paninda ngayon sa apat na areas ng barangay habang walang madaanan ang mga estudyante ng Pangarap Village.

Wala pang tugon ang lokal na pamahalaan ng Caloocan.

Facebook Comments