Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila, sanib-pwersa na rin sa TESDA

43

Manila, Philippines – Nakipagsanib-pwersa na rin ang Radyo Trabaho team ng DZXL RMN Manila sa Technical Education and Skills Development Authority o (TESDA).

Ito ay bilang bahagi pa rin ng misyon ng Radyo Trabaho team na magbigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Sa interview ng RMN Manila kay TESDA Executive Director Susan Dela Rama, sinabi nito na handa rin silang makipag-ugnayan sa DZXL RMN Manila, lalo na at kinukulit din sila ni TESDA Chief Isidro Lapeña na dapat ay magkaroon ng trabaho ang mga nag-enroll sa kanila.

At bilang tugon, sinigurado naman ng Radyo Trabaho team na welcome ang TESDA sa DZXL RMN Manila para mag-anunsyo ng kanilang mga programa.

Facebook Comments