Suspek sa pagpatay sa make-up artist ng mga celebrities, arestado

37

Dasmariñas, Cavite – Naaresto na ang isa pa sa tatlong suspek sa brutal na pagpatay sa isang make-up artist ng mga celebrities sa Barangay Langkaan Dos, Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa Calabarzon Police, dinakip sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na si John Rondolf Famadico, 25-anyos sa kasong robbery with homicide.

Itinuro si Ruperto ng isa pang suspek na una nang sumuko sa pulisya.

Matatandaang Nobyembre 2017 nang pagnakawan at patayin ng mga suspek ang biktimang si Dindo Malig alyas Sugar kung saan nakita ang labi nito sa madamong bahagi sa General Trias, Cavite.

Nagpapatuloy naman ang isa pang man hunt operation sa isa pang kasamahan ng mga suspek.

Facebook Comments