Tuloy na ngayong araw ang raffle o balasahan para sa pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ng partylist groups na ilalagay sa mga balota para sa eleksyon 2022.
Ayon sa Commission on Election (Comelec), nasa 165 ang accredited na partylist groups habang nasa 107 naman ang ibinasura ang aplikasyon.
Maaari lamang makalahok sa raffle ang mga tinanggal na partylist groups kung makakakuha sila ng status quo anti-order sa korte suprema.
Ang status quo anti-order ang magsususpinde sa implementasyon ng Comelec na nagtatakda ng raffle ng partylist groups.
Kahapon, inilabas na ng office of the clerk ng Comelec ang resolusyon ng motion for reconsideration ng 30 partylist groups habang patuloy pang pinag-aaralan apela ng 70 iba pa.
Facebook Comments