Raffy Tulfo, nagsalita sa isyu ni Erwin Tulfo vs Bautista

2309
Photo: Screenshot via YouTube/Raffy Tulfo in Action

Ibinahagi ng broadcaster na si Raffy Tulfo sa kanyang programang “Raffy Tulfo in Action” ang naging reaksyon niya sa pambabatikos ng kapatid na si Erwin Tulfo kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista.

Kamakailan lang umani ng batikos si Erwin Tulfo kasunod ng rant at panghahamon nito kay retired Army general Bautista matapos hindi mapaunlakan ng panayam.


Ayon kay Raffy Tulfo, tinuligsa niya ang naging aksyon ng kapatid.

“That was very very wrong. It was uncalled for. He was below the belt,” ani broadcaster.

Dagdag niya, agad niyang tinawagan ang kapatid at sinabing, “No amount of explanation can justify that action. Maling mali ka roon ‘tol.”

Sinabi rin ni Raffy na “medyo hilaw” ang naunang apology ni Erwin kaya pinayuhan niya ito na humingi pa ulit ng public apology nang may sinseridad.

Aniya sabi niya sa kapatid, “If I were you, kasi napakinggan ko yung interview mo na nagbigay ka ng apology, medyo hilaw ‘yon ‘tol. Kung puwede, humingi ka pa ng another public apology, this time magpakita ka ng sincerity para makita talaga nila na nagpapakumbaba ka at nag-apologize siya just like what I asked him to do.”

Bago ang lahat ng ito, ipinakilala muna ng Raffy Tulfo in Action host ang kapatid bilang “best brother” at “good brother to everyone.”

Facebook Comments

From Advertisers