RAID | Milyong pisong halaga ng mga pekeng sabon, pabango, lotion at iba pang beauty products, nasabat

Davao City – Nakumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang kahon-kahong sabon, pabango, lotion at iba pang beauty products na peke mula sa isang warehouse sa Vinson’s Street Dacudao Avenue, Barangay Paciano Bangoy sa Davao City.

Ni-raid ang warehouse matapos mapag-alaman ng mga otoridad na hindi nagbabayad ng tamang buwis at hindi nag-iisyu ng resibo ang Chinese National na may-ari nito.

Pero sa inilunsad na raid ay wala ang may-ari ng warehouse kaya at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan nito.
Ipinasuri naman ng taga-BIR at NBI ang mga nakumpiskang produkto sa food and drugs administration para malaman ang masamang epekto nito sa tao.


Facebook Comments