BUY-BUST OPERATION | Tatlong drug pusher, arestado sa Cagayan de Oro City

Cagayan de Oro City – Arestado ang tatlong drug pushers sa ikinasang buy-bust operation sa Cagayan de Oro City.

Nakilala ang mga nadakip na mga suspek na sina Stephen Neri Jr., Francisco Neri at Don Claudio Absin.

Unang nahuli si Stephen kung saan nakuha sa kaniya ang nasa P36,000 na halaga ng marijuana.


Itinuro naman ni Stephen ang source nito ng iligal na droga kaya at naaresto rin sina Francisco at si Absin.

Nakumpiska mula sa target suspek ang mahigit kumulang tatlong kilo ng marijuana na tinatayang nagkahalaga ng isang milyong piso.

Facebook Comments