Ozamiz, Misamis Occidental – Nakumpiska ang aabot sa sampung kilo ng shabu na nagkakahalaga ng limampung-milyong piso at isang katutak na armas sa magkakasabay na raid ng Ozamiz-PNP sa mga bahay ng supporters ng mga Parojinog sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Ito ay matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pangunguna sa laban kontra iligal na droga.
Sa interview ng RMN, ayon kay Ozamiz City Chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido, inaresto sa operasyon sina Melodin Malingin at Gaudencio Malingin matapos ma-recover sa kanilang bahay ang walong plastic bags na naglalaman ng walong kilo ng pinaghihinalaang shabu at isang 1 rolled aluminum foil.
Nakuha naman sa tahanan ni Maychell Parojinog Gumapac, pamangkin ni Mayor Parojinog na nananatiling at-large, ang dalawang plastic bag na naglalaman ng dalawang kilo ng pinaghihinalaang shabu.
Bukod sa iligal na droga, nakumpiska din ang ibat-ibang uri ng armas at pampasabog.
At-large naman sina Manuelito, Rizalina, June Francisco, Ricardo Parojinog, nakababatang kapatid ni mayor at Christopher Parojinog.