Tila nagmamaktol ang Bagyong Pepito at hindi nagawang pagbigyan ang stickering campaign ng Pulso ng Metro Team sa Barangay 168, North Caloocan City.
Magkagayunman, hindi ito naging hadlang dahil rain or shine, tuloy ang Dikit Campaign ng DZXL Pulso ng Metro sa mga tricycle.
Sa kasalukuyan, humigit kumulang 18 tricycle na ang may sticker mula sa mga miyembro ng Deparo Kanto Tricycle Transport Group, Simbahan TODA, NaKaTODA o Natividad-Kabatohan TODA at NoDeTODA o Novaliches-Deparo TODA rito sa Barangay 168.
Mahigpit ang pinaiiral na health protocol dito dahil bawal pumasok ang mga tricycle na galing sa ibang barangay.
Ayon kay Brgy. 168 Chairwoman Crisanta Del Rosario, napagkasunduan din sa pagitan ng barangay at mga TODA dito na hindi muna sila tatanggap ng mga bagong miyembro lalo na kung taga-ibang barangay upang maiwasan ang posibilidad na pagkalat ng COVID-19 sa barangay.