RAIN or SHINE, TULOY ANG MILITARY PARADE!
Ito ang naging pahayag ni Mr. Vic Avila, Project Director ng nabanggit na competition, kaugnay ng pagdaraos ng Penafrancia Festival sa Camarines Sur, particular sa Naga City.
Ito ay sa kabila ng ulan na pabugso-bugso na dala ng bagyong si umpong simula hatinggabi hangang kaninang umaga.
Ang Military Parade competition as isa sa mga pinakakaabangang event ng month-long Penafrancia Festival celebration dito sa Naga City na sinasalihan ng umaabot sa 777 contingents mula sa iba’t-ibang bahagi ng bicol region.
Sa interview nina RadyoMaN Jun Orillosa at RadyoMan Elmer Abad ng RMN Naga – DWNX kaninang alas singko ng umaga sa programang Bicol Express, binigyang-diin ni Avila na tuloy pa rin ang nakasanayan ng Military Parade competition. “Hindi na bago sa atin dito sa Naga ang ganitong panahon tuwing ganitong panahon ng kapyestahan ni Inang Penafrancia. Pero sa loob ng sobra 30ng taon, hindi pa nangyari na ipinagpaliban ang Military Parade competition dahil lang sa medyo masama ang panahon, sabi pa ni Avila.
Magugunitang nitong nakaraang taong 2016, halos ganito ring maulan ang kalagayan ng panahon, in fact, may baha pa sa ilang bahagi ng Naga City, gayunpaman, natuloy pa rin ang Military Parade competition.
Sinikap ng RMN Naga na makuha ang opisyal na pahayag ni Event Project Director at Committee on Rules Chairman Vic Avila upang malinawan ang publiko lalung-lalo na ang mga contingents na nanggagaling pa sa malalayong siyudad at mga bayan sa iba’t-ibang probinsiya ng bikol region. May haka-hakang kasi na kakanselahin ang nasabing Event sakaling hindi sumang-ayon ang panahon dulot ng bagyong Umpong.
“Fake News yan. Rain or Shine, Tuloy ang Military Parade completion ngayong araw, paglilinaw pa ni Avila.
Samantala, bukas, Sabado simula sa tanghali, isasagawa naman ang isa pa sa pinakamalaki at pinaka-finale ng taunang Penafrancia Festival dito sa Naga City – ang pinaka-aabangang FLUVIAL Procession kung saan mula sa Naga City Cathedral, ipaparada ang imahen ni Inang Birhen de Penafrancia pabalik sa Basilica Church sa pamamagitan ng Naga River. Ang FLUVIAL PROCESSION ay tradisyon ng pinangngunahan ng Obispo ng Nueva Caceres kasama ang mga deboto mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan galing sa iba’t-ibang komunidad sa kabikolan.
Photo credits to Jerome Palma, Naga City Guide, Ivan Henares, Naga City Smiles to the World
RAIN or SHINE, TULOY ANG MILITARY PARADE– Naga City PEÑAFRANCIA Festival
Facebook Comments