RAINBOW CROSSWALK, TAMPOK SA SUAL, PANGASINAN

Isang makulay at makabuluhang proyekto ang isinagawa sa bayan ng Sual matapos ipinta ng kulay bahaghari ang isang bahagi ng kalsada malapit sa Sual Sports Complex.

 

Ang tinaguriang Rainbow Crosswalk ay nagsisilbing simbolo ng pagkakapantay-pantay at pagsuporta sa LGBTQIA+ community.

 

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Sual, LGBTQIA+ Sual, at GAD (Gender and Development) Council.

 

Layunin nitong ipaalala sa publiko ang kahalagahan ng inklusibidad at pagtanggap sa lahat, anuman ang kasarian o identidad.

 

Labis na ikinatuwa ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang proyektong ito, na siyang naging paalala rin sa selebrasyon ng LGBT Pride Month tuwing buwan ng Hunyo. Ang Rainbow Crosswalk ay hindi lamang palamuti sa lansangan kundi isang mensahe ng suporta at respeto sa komunidad.

 

Ayon sa mga residente at motorista, bukod sa pagiging makulay na bahagi ng bayan, nagsisilbi rin itong simbolo ng isang progresibong Sual na kinikilala at ipinagdiriwang ang pagkakaiba-iba ng bawat isa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments