Inaasahang magiging makulay ang llungsod ng Pasay sa pakikilahok nito sa Pride March and Festival na gaganapin ngayong alas-dyes na umaga sa CCP Complex.
Dadalo ang iba’t ibang kasapi, samahan, at tagasuporta ng LGBTQIA+ sa nasabing parada at kasiyahan na siyang tampok sa pagdiriwang ng Hunyo bilang Pride Month.
Buong-buo ang ang suporta ng lungsod sa pamumuno ni Mayor Emi Calixto-Rubiano para sa mga libu-libong dadalo sa nasabing pagtitipon sa Pasay.
Ang Pasay ay isa sa mga nangunguna sa pagsusulong ng pantay-pantay na oportunidad sa para sa mga LGBTQIA+.
Magugunitang isa si Mayor Emi na nagsulong sa Kongreso ng pagpasa ng panukalang batas 4982 Sexual Orientation Gender Identity and Expression o higit na kilala na SOGIE Bill noong noong siya ay kongresista noong 2016.