Manila, Philippines – Kaliwa’t-kanang kilos protesta ang isasagawa ngayong araw, December 10 kasabay ng paggunita ng International Human Rights Day.
Tampok sa mga protesta ang ilang effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunugin para ihayag ang pagtutol sa giyera kontra droga at iba pang polisiya ng administrasyon.
Kinuwestyon ni Solidarity of Filipino Workers Chairperson Leody De Guzman ang datos ng PNP sa mga napapatay sa war on drugs.
Base sa tala ng PNP, aabot sa 4,999 ang death toll sa kampanya kontra droga mula 2016 hanggang nitong Oktubre.
Giit ni De Guzman – dapat mas mataas pa ang bilang kung saan kasama ang ilang rights defenders na nagiging biktima rin ng patayan.
Binanggit ni Solidarity of Filipino Workers Chairman Leody De Guzman ang patuloy na patayan sa war on drugs sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Duterte.
Hinikayat ni De Guzman ang pamahalaan na i-review ang commitment sa konstitusyon at Universal Declaration of Human Rights.