RALLY | Power consumers, idadaan sa pangangaroling ang protesta laban sa mataas na singil sa kuryente

18

Idadaan sa Christmas carolling ng isang isang grupo ng power consumers ang kanilang pangangalampag sa gobyerno na aksyunan na ang sobrang pagtaas ng bayarin sa konsumo sa kuryente.

Bandang alas diyes mamaya, susugod sa Department of Energy (DOE) main office sa Bonifacio Global City, Taguig ang grupong Power for People Coalition.

Bahagi ito ng kanilang 12 days of Christmas na protest action na gagawin hanggang hindi pinakikinggan ng gobyerno ang kanilang mga panawagan.

Bitbit ng grupo ang mensahe na ‘wish namin sa Pasko: malinis at murang kuryente’.

Facebook Comments