Pinaulanan ng mga Hong Kong police ng rubber bullets ang ilang libong protesters na nagtangkang makalapit sa gusali ng gobyerno.
Ito na nag ika-pitong magkakasunod na linggo na nagsagawa ng kilos protesta ang may mahigit 138,000 na raliyista bilang pagtutol sa kontrobersyal na extradition bill.
Nakasuot na kulay-itim na damit na may nakasulat na “free Hong Kong” ang mga dumalo sa rally.
Hinihiling kasi ng civil human rights fronts ang nag-organisa ng rally, ng independent investigation sa ginawang brutal na pagpapaalis noon ng mga kapulisan sa mga naunang kilos-protesta.
Facebook Comments