Nagsagawa ng kilos protesta sa tapat ng Senado ang mga miyembro ng murang kuryente partylist o MKP kasabay ng pagdinig na isinagawa ngayon ng Joint Congressional Power Commission ukol sa mga brownouts na nararanasan lalo na sa Luzon.
Giit ng MKP sa mga mambabatas na gawing mura ang halaga ng kuryente at parusahan ang mga planta ng kuryente at distribution utilities katulad ng Manila Electric Company (Meralco).
Hinala ng MKP, nagsasabwatan ang mga ito para pabasin na may kakulangan ng suplay ng kuryente at para makapagtaas sila ng presyo ng kuryente.
Hiling din ng grupo na repasuhin ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) law.
Ang pagdinig ay pinamumunuan ni Senator Win Gatchalian at mga kinatawan mula sa mababang kapulungan.
Imbitado sa pagdinig ang mga opisyal ng kinauukulang ahensya sa na may kaugnayan sa enerhiya, gayundin ang mga kinatawan ng mga power distribution facilities, mga stake holders sa sektor ng enerhiya at mga consumer groups.