Rallyista, Binatikos ang DSWD

Tuguegarao City, Cagayan – Dinagsa ng mga rallyista ang tanggapan ng DSWD Region 2 ngayong araw ng Nobyembre 20, 2017 sa Regional Center, Carig Sur, Tuguegarao City upang batikusin ang hindi maayos na implimentasyon ng Emergency Shelter Assistance(ESA) ng naturang tanggapan.

Ang rally ay pinangunahan ng Tulong Sulong Cagayan Valley at ibat ibang grupo sa ilalim ng BAYAN gaya ng Anakpawis at ng grupong kagimungan.

Sinikap nilang makausap si OIC Regional Director Julia Alan ngunit sila ay bigo dahil abala ang DSWD Region 2 sa kanilang management committee meeting at pag asikaso sa dumalaw na bisita galing central office na si USEC Hope Servilla.


Sinikap naman ng RMN News Team na kumuha ng pahayag sa DWSD Region 2 sa pamamagitan ni Information Officer Geraflor Perez at kanyang sinabi na minsanan na lang daw ang kanilang gagawing pagpapaliwanag sa ipapatawag na press conference.

Ang rally ay dinaluhan ng iba’t ibang mamamayan na nasiraan ng bahay mula sa mga bayan ng Hilagang Isabela at Timog Cagayan na rinagasa noon ng Bagyong Lawin na hindi umano nakatikim ng ESA mula sa pamahalaan.

Ang mga nagrally ay kabilang sa sinasabing halos 20, 000 na mga nasiraan ng bahay na kailangan din umanong makatanggap ng ESA na nagkakahalaga ng P10, 000.00 kapag bahagyang nasira ang bahay samantalang P30, 000.00 naman kung kabuuang bahay ang napinsala.

Kanilang binatikos ang programa dahil umano sa may mga hindi karapat dapat na nabigyan ng ESA dahil sa paboritismo ng ilang barangay kapitan at dispalinghadong beripikasyon ng DSWD Regional Office.

Facebook Comments