Ralph Trangia na suspek sa pagpatay kay Atio, inaasahang magbabalik-bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang babalik na ngayong araw sa bansa si Ralph Trangia, isa sa pangunahing suspek sa pagpatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, boluntaryong babalik sa bansa si Trangia at tumanggi itong magpadeport.

Sept. 19 nang umalis sa Pilipinas si Trangia kasama ang kaniyang ina patungong Estados Unidos.


Si Trangia ang anak ng may-ari ng pulang pick up na nagdala kay atio sa ospital at siya rin ang sergeant at arms ng Aegis Juris Fraternity.

Facebook Comments