Ramadan, opisyal na magsisimula bukas

Magsisimula na bukas, April 13, 2021 ang banal na buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim – ang Ramadan.

Ito ang inanusyo ng Bagnsamoro Government at National Commission on Muslim Filipinos matapos ang tradisyunal na moon-sighting activity kahapon.

Ang schedule ng Ramadan ay nakadepende sa Islamic Lunar Calendar, na sinusundan ang phases ng buwan.


Sa moon-sighting activity, kapag natanaw ang bagong crescent moon ay hudyat na ito ng pagsisimula ng fasting period.

Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay mag-aayuno at mag-aalay ng panalangin mula sa bukangliwayway hanggang takipsilim.

Ilalaan din nila ang panahon na ito para sa pagtulong, at religious devotion.

Ang Ramadan ay magtatapos sa Eid’l Fitr.

Facebook Comments