Pormal nang nag-umpisa ang isang buwang Ramadan ng mga Pilipinong Muslim ngayong araw ng Linggo, Abril 3.
Pasado alas-4:00 kaninang madaling araw nang dumagsa sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila ang mga kababayan nating Muslim upang magdasal.
Bakas ang tuwa sa mukha ng mga kababayan nating muslim dahil ito ang unang pagkakataon na makakapasok ulit sila sa Golden Mosque para sa Ramadan makaraang hindi ito payagan noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa panayam ng RMN Manila kay Abdul Aziz, bahagi aniya ng Ramadan ang fasting o hindi pagkain, pag-inom at pag-iwas sa iba pang layaw sa katawan mula alas-3:00 ng umaga hanggang alas 6:30 ng gabi.
Isang buwang tatagal ang fasting kasabay ang tradisyong pagdarasal limang beses kada araw.
Ang Ramadan ay ang ika-siyam at pinakabanal na buwan sa Islamic calendar.