RAMBOL | Mga suspek sa pagpatay sa estudyante sa Makati, kinasuhan na

82

Makati City – Ipinag-utos ngayon ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati ang mas mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa lungsod.

Kasunod ito ng pagkamatay ng 18-anyos na estudyante matapos na masaksak sa rambol ng mga kabataan kamakailan.

Kinilala ang biktima na si John Ernest Rivera habang kinasuhan na ng murder ang dalawa sa mga suspek na sina Kim Leo Binlasa at Elbert Senera, kapwa 19-anyos at miyembro ng isang fraternity.

Itinurn-over naman sa DSWD ang tatlong 16-anyos na lalaki na sangkot din sa gulo.

Kaugnay nito, inaayos na ng Makati-LGU ang Implementing Rules and Regulations sa pagpapatupad ng curfew mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Sa ilalim ng ordinansa, magulang ang pananagutin kapag nahuli ang kanilang mga anak.

Facebook Comments