Ramon Ang itinangging may ugnayan sila ni Julia Barretto: Parang apo ko na ‘yan

7616
Images from San Miguel Corporation and IG/@juliabarretto

Umalma ang 65-anyos na negosyanteng si Ramon Ang kaugnay sa balitang kumakalat na may ugnayan sila ng 22-anyos na aktres na si Julia Barretto.

Ayon sa CEO ng San Miguel Corporation, hindi pa sila nagkakakilala ni Barretto.


“Nakita niyo naman po ang edad niya, parang apo ko na,” pahayag ng business tycoon.

Saad pa niya, masyadong malisyoso ang istoryang lumabas. Puwede na umanong maging kaibigan ng mga apo niya si Julia kapag lumaki na sila.

Buwelta ng negosyante, hindi dapat pinagtutuunan ng pansin ang nasabing tsismis dahil hindi ito nakakatulong sa ekonomiya at pag-unlad ng Pilipinas.

“Huwag na po natin pagbigyan ng pansin, at mas marami pa po tayong kailangang gawin para mapabuti ang bansa natin,” ani Presidente ng SMC.

Matatandaang lumabas sa ilang pahayagan na binebenta umano ni Marjorie ang Kapamilya celebrity sa kilalang businessman at umabot daw sa puntong binilhan niya ito ng bahay.

Pumutok ang malisosyong paratang sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine matapos silang magkagulo sa burol ng kanilang ama habang bumibisita si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments