LINGAYEN, PANGASINAN – Pasado 10: 00 ng umaga kahapon ika-11 ng Mayo pormal nang iprinoklama ang nanalong gobernador at bise gobernador ng Pangasinan.
Si Ramon Guico III ng Nationalista Party ay nanalo sa pagka gobernador matapos nitong talunin si incumbent Governor Amado I. Espino III.
Malaki ang naging lamang ni Guico sa kaniyang katunggaling si Espino kung saan nakakuha ito ng 885, 272 na boto habang nakakuha naman ng 697, 467 na boto si Espino.
Wagi din ang kaniyang running mate na si re-elected Vice Governor Mark Lambino ng Partido Lakas na nakakuha ng 877, 948 na boto sa katunggali nitong si Niki Boy Reyes na nakakuha ng 550, 221.
Malaki ang pasasalamat ni Guico dahil sabay nilang pamumunuan ang pagbibigay serbisyo sa mga Pangasinense sa loob ng tatlong taon.
Pinabulaanan din ng Alyansang Aguila ang mga isyung pandaraya di umano na ibinabato sa kanila ng kampo ng Abante Pangasinan Ilocano Partylist o API.
Ayon kay Cezar T. Quiambao ang Convenor ng Alyansang Aguila, trinabaho umano ng kanilang kampo ang kanilang pagkapanalo mula sa una hanggang ika anim na distrito ng lalawigan.
Samantala, iprinoklama na rin kahapon ang mga nanalo sa pagka board member ng ikalimang distrito na si Chinky Perez at Louie Sison, sa ikalawang distrito naman ay si Atty. Haidee Pacheco, at sa ikaapat na distrito si Noy De Guzman. | ifmnews
Facebook Comments