Random drug test ng DepEd, sino-sino ang sakop?

Manila, Philippines – Sa kabila ng nangyaring pagpatay ng mga pulis Kay Kian Loyd delos Santos at sa kabi-kabilaang protesta ng mga kabataan, wala namang balak ang Department of Education na iatras ang utos para sa mandatory random drug test sa mga junior at senior high schools.

Sa budget hearing sa Kamara, ipinaliwanag ni Secretary Leonor Briones na ang mandatory random drug test ay hindi parusa kundi health related measure.

Sa pamamagitan ng programang ito, makukumpirma ng DepEd kung gaano kalala ang problema sa droga sa hanay ng mga estudyante, mga guro at kawani ng ahensya.


Tiniyak naman na anumang resulta ng drug test sa mga kabataan ay confidential at hindi ilalagay sa record ng estudyante.

Lalo ding hindi magagamit sa pagsasampa ng kaso laban sa estudyante ang resulta nito.
Nakapagsanay na rin sila ng isang libong empleyado para sa pagsasakatuparan ng drug test sa mga estudyante, guro at DepEd staff.

Facebook Comments