Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Education (*DepEd*) na magsagawa ng random drug testing sa mga high school student ngayong taon ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layunin nitong mabigyan ng proteksyon at rehabilitasyon ang mga estudyante.
Aniya, hindi naman mapapatalsik o mabibigyan ng anumang disciplinary action ang estudyanteng magpopositibo.
Hindi rin aniya maaapektuhan ang academic record ng mga ito.
Sa halip, irerekomenda ang sinumang estudyante sa isang social worker para sa counseling at iba pa.
Tiniyak rin ng DepEd na mananatili ang respeto sa pribadong resulta drug testing ng mga estudyante.
Facebook Comments