Random drug testing sa mga residente ng Payatas Quezon City, iligal ayon sa isang kongresista

*Payatas Quezon City* – Labag sa karapatan pantao para kay Cong. Teddy Baguilat ang ginagawang pagbabahay-bahay ng Quezon City Police District (QCPD) para ipa-drug test ang mga residente ng Payatas.

Ayon kay Baguilat – walang umiiral na batas para dito maliban na lamang kung may maghahain nito.

Pero depensa ni QCPD Director Guillermo Elazar – boluntaryo lamang ang naturang hakbang at hindi ito sapilitan.


Anya, ang pag-iikot na ito ay bahagi lamang ng kanilang drug clearing para sa kampanya kontra droga.

Una nang binatikos ng Commission on Human Rights (CHR) sa ginawang pagbahay-bahay ng mga kapulisan sa Brgy. Payatas.

Facebook Comments