Cauayan City, Isabela-Nagsimula na ang isinagawang pagbibigay ng ‘Rape Case Awareness’ sa publiko hinggil sa naitatalang kaso ng panggagahasa sa lungsod.
Noong nakaraang taon, mayroong 23 na kaso kumpara sa 12 na kaso ng rape mula Enero taong kasalukuyan. Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan City, layunin ng Rape Case Awareness ay upang tuluyan na itong mawala.
Ilan sa mga nabanggit na Barangay na apektado ng panggagahasa ay ang mga barangay ng Baculod, San Fermin, Cabaruan, Pinoma, Culalabat, District 1, Tagaran, San Antonio at Nagrumbuan. Ayon pa kay P/Capt. Galiza, pinakabata dito ay naitalang 2 taong gulang habang ang pinakamatandang suspek naman ay 68 anyos.
Nagpaalala naman ang kapulisan sa mga magulang na bantayan at paalalahan lalo na ang mga babaeng anak huwag agad magtiwala agad sa kung kani kanino lalo na kung hindi kilala.